Linggo, Hulyo 8, 2012

"ANG AKING PAMILYA"


             Malaking pasasalamat ko sa panginoon dahil nandyan ang pamilya ko. Sa hirap at ginhawa hindi nila ako pinabayaan. Noong nag aaral pa ako sa sekundarya doon nagsimula ang kalbaryo ng aking buhay. nadapa ako, nawalan ako ng pag-asa, lahat na pangarap kona gusto kong abutin ay nawala. Pero nandyan ang pamilya ko, lalo na ang ina at ama ko handang dumamay at intindihin ako, nagpakahirap silang tulungan ako para bumangun ulit, nangarap na sana matupad ang pangarap na nabigo noon.
           
            Masarap magkaroon ng pamilyang nagmamahal sa atin, handang tumulong sa mga problema at dumamay sa oras na pumatak ang luha dahil sa kabiguang naranasan ko, nandyan sila upang damamyan ako. Andyan si Inay na gumabay sa akin upang hindi na ulit madapa, andyan si Itay na mangangaral upang hindi mapunta sa maling landas sapagkat oras na masaktan ang anak doble ang sakit nito sa mga magulang.
           
             Nang dumating na sa aming pamilya ang isang pagsubok na hindi namin matanggap na mawala ang Ina namin dito sa mundo. Ang laking pagkukulang namin sa kanya at pagsisi naming lahat dahil hindi man lang namin siya inaalagaan. Sa ngayon nangungulila kami sa yakap at pagmamahal ng isang ina. Mahirap sa isang pamilya na hindi buo parang may kulang, pero kailangan tanggapin na itong katawan natin ay hiram lamang sa panginoon. Hanggang makakasama pa natin ang ating pamilya mahalin natin ito, bigyang importansya at kailangan may tiwala sa isa't isa para mapanatiling masaya. Hanggang ngayon nandyan parin ang pamilya ko walang sawang sumuporta sa akin at sa mga anak ko.


              

Miyerkules, Oktubre 19, 2011

Dalawang Araw ng Pagdiriwang ng Intramurals 2011

Ang aming paaralan ay nagdiwang ng Intramurals noong ika-labing apat at labing lima ng Oktubre taong 2011. Lahat ng departamento ay sumali sa ibat-ibang palaro tulad ng basketbol, volleyball, badminton at iba pa. Nanood kami sa mga palaro bilang pagpapakita ng suporta sa aming departamento.

Kinabukasan, sobrang saya namin dahil sa kabutihang palad ang aming departamento (BSIT) ang naging kampeon sa larangan ng basketbol at volleyball.

Ang Aking Talambuhay

Ako ay si Maria Jemma A. Tarona. Ako ay nakatira sa barangay Looc, syudad ng Mandaue. Ako ay tatlumput isang taong gulang. Ako ay nag-aaral sa Datamex Institute of Technology sa kursong Bachelor of Science Information Technology. Ako ay may asawa na at may dalawang anak, si Yen-yen at si Honey. Ang aking mga magulang ay si Jaime M. Alom at Manuela C. Alom. Sampu kaming magkakapatid. Ako ay ikawalo at panganay sa mga babae. 

Ang aking hilig ay magbasa ng mga libro. Mahilig din akong maglaro ng volleyball. Ako ay nag-aaral sa hapon at nagtatrabaho tuwing gabi para magtapos ng isang kurso, para may maipagmalaki ako sa aking mga anak balang araw. Ang gusto ko sa isang tao ay yung matapat at mabuti sa akin.

Sana balang araw magtagumpay ako sa aking mga paghihirap para maranasan ng aking mga anak ang kaginhawaan sa buhay.